Opisyal na pagpasok ng summer sa bansa, idedeklara na ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo March 07, 2016 - 07:39 AM

528011_3330365573117_1991747084_nOpisyal nang papasok ang summer o dry season sa bansa ayon sa PAGASA.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA forecaster Aldzcar Aurello na wala nang umiiral na hanging Amihan sa ngayon.

Dahil dito ayon kay Aurello, posibleng sa susunod na linggo ay ideklara na ng PAGASA ang opisyal na pagpasok ng dry season sa bansa kung hindi na babalik ang Amihan. “Posible po next week, pumasok na ang summer season kung hindi nap o babalik ang Amihan, sa ngayon po kasi wala ng Amihan,” ayon kay Aurello.

Sa ngayon, easterlies o mainit na hanging mula sa Silangan ang naka-aapekto sa Eastern section ng buong bansa.

Kahapon mainit na 34.7 degrees Celsius na ang naitalang maximum temperature ng PAGASA sa Metro Manila ganap na alas 3:00 ng hapon.

Wala pa ring namamataang sama ng panahon ang PAGASA sa loob at papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

TAGS: summer season to officially start next week, summer season to officially start next week

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.