Pagbaba ng distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mga PUV umpisa na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2020 - 05:44 AM

Simula na ngayong ang araw, Sept. 14 ang pagbaba ng sukat ng distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Mula sa isang metro, binabaan na sa 0.75 meter na lang ang distansya sa pagitan ng mga pasahero base sa inaprubahang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), layunin nitong maitaas ang rider capacity ng mga pampublikong tranportasyon.

Dahil dito, sa MRT-3 aabot na sa 204 na commuters ang maisasakay ng isang train set mula sa dating 153 na pasahero.

Nitong weekend, binago na din ng MRT-3 ang physical distancing markers sa loob ng mga tren.

Handa na rin itong ipatupad sa iba pang railway systems gaya ng LRT-1 at LRT2.

Patuloy naman ang istriktong pagpapatupad ng mga health and safety protocols sa lahat ng PUVs tulad ng pagsusuot ng face shield at face mask.

Sa mga tren ng MRT at LRT ay bawal ang pagsasalita at pagsagot ng tawag sa anumang digital device.

 

 

 

TAGS: dotr, IATF, LRT, MRT, phisical distancing, PUVs, dotr, IATF, LRT, MRT, phisical distancing, PUVs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.