Napa-deport na ng Bureau of Immigration (BI) si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Pinalaya si Pemberton sa kaniyang detention cell sa Camp Aguinaldo, Linggo ng umaga (September 12).
Sa ibinahaging larawan ng ahensya, makikitang naka-posas pa rin ang Amerikanong sundalo.
Kasama ang ilang tauhan ng BI sa mga nag-escort kay Pemberton mula Camp Aguinaldo patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa BI, nakaalis ang military aircraft kung saan isinakay ang dayuhan pabalik ng Amerika bandang 9:14 ng umaga.
Na-convict si Pemberton dahil sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong October 2014.
September 7 naman nang pagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon ang Amerikanong sundalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.