31 street dwellers at solvent boys, na-rescue sa Maynila
Umabot sa tatlumput-isang (31) street dwellers at solvent boys ang na-rescue ng mga tauhan ng Recto-Soler Outpost ng Meisic Police Station (PS-11) mula sa kanilang isinagawang “continued resue operation” sa kahabaan ng C.M. Recto Ave. sa Binondo.
Sa report ni PEMS George Capistrano ay nakatanggap sila ng tawag mula sa Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) noong Setyembre 4 tungkol sa mga nagkalat na street dwellers at solvent boys sa C.M. Recto Ave.
Agad namang inaksyunan ito ng Recto-Soler Outpost at sila’y nagsagawa ng rescue operation kung saan tatlumput-isang street dwellers at solvent boys ang kanilang nasagip.
Sa pangunguna ni PLTC Joel C. Garcia, Station 11 Commander, at ni PEMS George Capistrano, Recto-Soler Outpost Supervisor, ay dinala ang mga menor de edad sa Rasac Covered Court at ngayo’y nasa pangangalaga na ng Manila Department of Social Welfare (MDSW). –
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.