Pag-‘todas’ sa ‘Todos’ ngayong taon, OK sa DILG

By Jan Escosio September 11, 2020 - 02:26 PM

Sang-ayon si Interior Secretary Eduardo Año sa mga desisyon ng ilang lokal na pamahalaan na ipasara ang lahat ng mga pribado at pampublikong libingan sa panahon ng Todos los Santos ngayon taon dahil sa pandemiya.

Ayon kay Año hinihikayat talaga nila ang pagsasara ng mga sementeryo para maiwasan ang pagtitipon ng mga tao.

Katuwiran ng kalihim, ang layon lang ng naman ng Todos los Santos ay bumisita sa mga puntod at aniya maari naman itong gawin sa ibang araw.

“Just imagine the scenario where millions of people will flock to cemeteries for that,” ani Año.

Ngunit ayon sa opisyal hindi pa lahat ng alkalde ay nagkasundo sa pagsasara ng mga libingan ngunit inaasahan na matatalakay ang isyu sa pagpupulong ng Metro Manila Council sa darating na araw ng Linggo.

Dagdag pa ni Año may iba pang paraan sa paggunita sa tradisyon tuwing Nobyembre 1 at 2 at isa na dito aniya ang pagdarasal na lang sa bahay.

Sinabi pa nito na maaring magkaroon ng malawakang hawaan sa mga sementeryo dahil milyon-milyon ang dumadagsa sa mga libingan tuwing Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

“The hospitals would be in full capacity, many could die, because not all could be accommodated, that’s the problem if there is a surge,” aniya.

 

 

TAGS: cemeteries, covid pandemic, COVID-19, department of health, DILG, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Undas, cemeteries, covid pandemic, COVID-19, department of health, DILG, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.