Sen. Go handa sa ‘opposition role’ sa isyu ng korapsyon sa gobyerno

By Jan Escosio September 11, 2020 - 11:48 AM

Handa si Senator Christopher Go na umaktong oposisyon kapag may nalaman at ibubunyag siyang mga katiwalian sa gobyerno.

Ito ang sagot ni Go sa paalala sa kanya ni Pangulong Duterte na huwag magdalawang-isip na isumbong sa kanya ang mga maling paggamit ng pondo ng gobyerno.

Nabanggit din ng senador na sa huling pag-uusap nila ni Pangulong Duterte ukol sa korapsyon, nabanggit sa kanya nito na sa natitirang panahon sa kanyang termino ay lalabanan niya ang katiwalian sa gobyerno.

Pagtitiyak pa ni Go na tabla-tabla o walang kapartido o kaibigan sa kanila ni Pangulong Duterte sa paglaban nila sa mga tiwali.

Napapansin rin naman ng punong ehekutibo, ayon pa sa senador, ang mga talagang nagta-trabaho ng tapat sa kanyang administrasyon.

 

TAGS: bong go, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website, bong go, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.