Bansa maaring malantad sa pag-eespiya matapos payagang makapagtayo ng cell towers sa loob ng military camps ang Chinese-backed na DITO

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2020 - 07:35 AM

Tahasang sinabi ni Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio na isang katangahan nang payagan ang China-backed DITO Telecommunity na magtayo ng cell towers sa loob ng military camps sa gitna ng banta nito sa pambansang seguridad.

Ayon sa dating SC justice, ang hakbang ay parang pagpayag na rin sa China na maglagay ng “listening device” sa nasasakupan ng Pilipinas, at idinagdag na ang East Asian giant ay may kakayahan na maglagay ng spy software at applications sa pamamagitan ng towers.

“I think it’s very dumb of us to allow those towers to be installed inside military camps,” sabi ni Carpio sa isang panayam.

“Just imagine, putting a tower inside of the military camp— and the equipment, all those chips on these towers are made in China, they can just put in spy firmware, the software come from China,” paliwanag pa niya.

Sinabi pa ni Carpio na ang naturang spy applications ay maaari ring magamit sa ‘eavesdropping’ o pag-record ng pag-uusap ng mga tao kahit naka-off ang mobile phones.

“You ask any security analyst who’s familiar with cybersecurity, and they will tell you, absolutely do not allow towers to be installed in your military camps. Because it’s like allowing China to put a listening device in your conference room… I think it’s a no-brainer,” pagbibigay-diin ni Carpio.

Nauna nang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na lumagda siya sa isang kasunduan na nagpapahintulot sa third telco na magtayo ng cell towers sa loob ng mga kampo ng militar.

Subalit muling lumutang ang security at privacy concerns kasunod ng anunsiyo kung saan tinukoy ng ilang opisyal at mambabatas ang partnership ng Dito sa Beijing-run China Telecom.

Noong nakaraang taon ay pinayagan din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang third telco player na maglagay ng communications equipment sa mga kampo nito, subalit hindi ito natuloy makaraang kuwestiyunin ng ilang mambabatas dahil sa security concerns.

 

 

 

TAGS: 3rd telco, China-backed DITO, dito telecom, 3rd telco, China-backed DITO, dito telecom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.