Global cases ng COVID-19 mahigit 28 million na
Umabot na sa mahigit 28 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Sept. 11) ay 28,313,390na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 298,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 36,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 96,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapatala ng dagdag na 40,200 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 6,585,692
India – 4,559,725
Brazil – 4,239,763
Russia – 1,046,370
Peru – 710,067
Colombia – 694,664
Mexico – 647,507
South Africa – 644,438
Spain – 554,143
Argentina – 524,198
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.