Trough ng LPA, patuloy na magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa

By Angellic Jordan September 10, 2020 - 06:06 PM

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang LPA sa layong 980 kilometers Silangang bahagi ng Baler, Aurora.

Posibleng aniyang makaapekto ang trough ng LPA sa ilang parte ng bansa.

Maaari aniyang magdulot ang trough ng LPA ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Bicol region, buong Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga.

Patuloy naman aniyang mararanasan ang mainit at maalinsangang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Posible lamang aniyang magkaroon ng isolated rainshowers at thunderstorm.

TAGS: breaking news, Inquirer News, localized thunderstorm, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, trough ng LPA, weather update September 10, breaking news, Inquirer News, localized thunderstorm, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, trough ng LPA, weather update September 10

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.