Pagpapalaya kay Pemberton ipinoproseso na – BuCor
By Dona Dominguez-Cargullo September 10, 2020 - 11:10 AM
Natanggap na ng Bureau of Correction (BuCor) ang kopya dokumento na nagbibigay ng absolute pardon kay Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Sa pahayag sinabi ng BuCor na nakuha na nila ang kopya mula sa Department of Justice (DOJ).
Inumpisahan na ng BuCor ang proseso ng pagpapalaya kay Pemberton.
Nakikipag-ugnayan na din ang BuCor sa mga ahensya na may kinalaman sa proseso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.