5 estado sa Oregon, USA natupok dahil sa wildfires
Daan-daang mga bahay na ang natupok sa wildfires na nagaganap sa Oregon sa Estados Unidos.
Ayon kay Gov. Kate Brown, limang bayan sa kanilang lugar ang winasak ng wildfire.
Nagpatupad na ng widespread evacuations.
Sinabi ni Brown na posible ring may mga nasawi sa insidente, pero hindi pa nito tukoy ang bilang.
Sa California, walo na ang naitalang nasawi dahil sa wild fire.
170,000 na households pa ang nananatiling walang suplay ng kuryente.
Ayon sa California Fire Department, sa buong California state, 2.5 million acres ang apektado ng wildfires.
Mayroong 14,000 na bumbero ang naka-deploy ngayon para labanan ang 28 wildfires na sabay-sabay na nangyayari sa nasabing estado.
Aabot naman sa mahigit 2,000 fire engines ang naka-deploy, at 95 aircraft.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.