Mga gumaling sa COVID-19 sa Navotas, nadagdagan nang 40
By Angellic Jordan September 10, 2020 - 12:24 AM
Nasa anim ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.
Sa huling datos hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 9), umakyat na sa kabuuang 4,535 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 318 ang aktibong kaso o katumbas ng 7.0 porsyento.
40 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,088 na ang total recoveries o 90.1 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.
Umakyat naman sa 129 ang pumanaw o 2.8 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.