Panukalang pondo ng DOLE sa 2021, kulang para ipantulong sa mga manggagawa na apektado ng COVID-19

By Erwin Aguilon September 09, 2020 - 08:40 PM

Hindi sapat ang P27.010 bilyong panukalang pondo sa susunod na taon ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga subsidiya na ibinibigay sa mga manggagawang apektadong ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa DOLE, mas maraming unemployed na manggagawa sa formal at informal sector ang matutulungan sakaling madagdagan pa ang kanilang pondo para sa susunod na taon.

Nasa P76 bilyon ang orihinal na request ng DOLE sa Department of Budget and Management (DBM), pero tanging P27.010 bilyon lang ang inaprubahan na mas mataas ng P10 bilyon sa kasalukuyang pondo ng kagawaran.

Sinabi ni Asec. Dominique Tutay na maliit na bahagi lamang sa naturang bilang ang natulungan ng DOLE sa mga nakalipas na buwan sa pamamagitan ng ayudang ibinibigay sa ilalim ng CAMP at TUPAD programs.

Pero tinitiyak naman din nito na sa oras na gumulong na ang Bayanihan to Recover as One Act o ang Bayanihan 2 ay mapapahatiran ng tulong ang beneficiaries na hindi naayudahan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1.

TAGS: 18th congress, budget hearing, DOLE 2021 budget, Inquirer News, Radyo Inquirer news, 18th congress, budget hearing, DOLE 2021 budget, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.