Dagdag na pondo, hiniling ng VMMC sa Kamara

By Erwin Aguilon September 09, 2020 - 06:52 PM

Hiniling ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa mga kongresista na dagdagan ang pondo para sa hospitalization ng mga beterano.

Sa pagdinig sa panukalang pondo ng Department of National Defense, sinabi ni VMMC Dr. Jun Chong na bumaba sa P160 milyon ang pondo para sa pagpapaospital at gamot sa mga beterano para sa susunod na taon.

Sa 200,000 beterano sa bansa, lumalabas na makakatanggap lamang ng P2 na daily allotment ang mga beterano para sa kanilang gamot sa puso, diabetes at iba pang maintenance drugs sa ilalim ng nasabing budget.

Nais din ng VMMC na dagdagan ng P425 milyon ang pondo para sa gamutan ng mga beterano lalo pa’t may COVID-19 pandemic ay tinutugunan din nila ang bakuna para sa anti-flu at anti-pneumonia ng veterans.

TAGS: 18th congress, budget hearing, Dr. Jun Chong, Inquirer News, Radyo Inquirer news, VMMC, VMMC 2021 budget, 18th congress, budget hearing, Dr. Jun Chong, Inquirer News, Radyo Inquirer news, VMMC, VMMC 2021 budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.