Pamahalaan kukuha ng mahigit 50,000 pang contact tracers
Kukuha ng mahigit 50,000 pang contact tracers ang pamahalaan ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.
Ayon sa kalihim, dagdag ito sa 238,000 nang na-recruit na contact tracers na bahagi ng pagtugon ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Itatalaga ang dagdag na 50,000 contact tracers sa mga lugar na higit na nangangailangan.
Sinabi ni Año na karamihan sa 238,000 na contact tracers ay volunteers na itinalaga sa lugar na kanilang napili.
Pinakaraming ide-deploy sa Luzon na aabot sa 20,000 habang tig-15,000 sa Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.