Intertropical Convergence Zone ang umiiral na weather system ngayong araw at apektado nito ang Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA dahil sa ITCZ ang Mindanao at ang Western Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Makararanas lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo sa loob ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.