Pangulong Duterte: “You have not treated Pemberton fairly”
Hindi naging patas ang pagtrato ng Pilipinas kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, ang Amerikanong sundalo na nahatulang guilty sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ito ang dahilan kung kaya binigyan niya ng absolute pardon si Pemberton.
“Sabi ko it’s my decision to pardon. Correct me if I’m wrong but ito ang tingin ko sa kaso. You have not treated Pemberton fairly. So i-release ko. Pardon. Eh ang pardon walang mga question yan. It’s… Wala talaga, it cannot be questioned anywhere. And it’s not because of that I pardon Pemberton,” pahayag ng Pangulo.
Hindi na aniya kasalanan ni Pemberton kung hindi naging maayos ang pagbibilang sa good conduct time allowance (GCTA).
“It is not the fault of Pemberton na hindi na na-compute because we should allow him, the good character presumption kasi wala namang nagreport na Marines na nagsabi na nagwawala siya,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.