Rapist-killer ex-Laguna mayor, inilipat ng ospital

By Jan Escosio September 07, 2020 - 08:43 PM

Guwardiyado si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa Jose Reyes Memorial Medical Center kung saan ito inilipat noong Biyernes dahil sa iba’t ibang karamdaman.

Sinabi ni Justice spokesman Markk Perete na apat na tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nagbabantay kay Sanchez.

Una nang na-confine sa New Bilibid Prison Hospital si Sanchez dahil sa sakit sa bato at baga at iba pang karamdaman.

Ayon kay Perete, nag-usap ang mga doktor noong Biyernes at napagkasunduan na kailangan nang ibayong pagsusuri kay Sanchez.

Sumailalim din sa swab test si Sanchez at lumabas na negatibo naman ito sa nakakamatay na COVID-19.

Hinatulan ng pitong habambuhay na pagkabilanggo si Sanchez dahil sa panggagahasa at pagpatay sa UPLB student na si Aileen Sarmenta at sa boyfriend nitong si Allan Gomez noong 1993.

TAGS: Antonio Sanchez, bucor, DOJ, ex-Mayor Antonio Sanchez, Inquirer News, Jose Reyes Memorial Medical Center, Markk Perete, Radyo Inquirer news, Antonio Sanchez, bucor, DOJ, ex-Mayor Antonio Sanchez, Inquirer News, Jose Reyes Memorial Medical Center, Markk Perete, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.