Sen. de Lima, may mga pagdududa sa pagkamatay ni Councilor Ardot Parojinog

By Jan Escosio September 07, 2020 - 05:45 PM

Nagpahayag ng kanyang mga pagdududa si Senator Leila de Lima ukol sa pagkamatay sa selda ng Ozamis City Police Station ni dating Councilor Ardot Parojinog.

Una, ayon kay de Lima, kahit walang autopsy, inanunsiyo na atake sa puso ang ikinamatay ni Parojinog at pinaghinalaan na ito ay maaaring may taglay ng COVID 19.

Agad din aniyang isinantabi ang ‘foul play’ sa pagkamatay ni Parojinog.

Kasama ni de Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame si Parojinog bago ito dinala sa Ozamis City para sa pagdinig ng kanyang kaso.

Ayon naman sa pamangkin ni Parojinog, si dating Vice Mayor Nora Parojinog, na nakakulong din sa Camp Crame, nagsabi ang kanyang tiyuhin na maaaring mamatay siya kapag nagbalik sa Ozamis City.

Ipinagtataka rin ni de Lima ang pananatili sa Ozamis City ng pagdinig sa kaso kahit may sapat na ebidensiya para isagawa ito sa ibang korte.

Gayundin, ayon pa sa senadora, maaari naman ang ‘virtual trial’ dahil sa pandemya at ito ay sinang-ayunan na rin ng Korte Suprema.

Naaresto ang mag-tiyuhing Parojinog sa pagsalakay sa kanilang mga bahay noong July 2017 na nagresulta sa pagkamatay ng 15 katao kasama na si Mayor Reynaldo Parojinog at kanyang asawa.

TAGS: Ardot Parojinog, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen Leila De Lima, Ardot Parojinog, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.