Bicutan Footbridge, isinara para sa gagawing rehabilitasyon
Pansamantalang isinara ang Bicutan Footbridge na nasa border ng Parañaque at Taguig City.
Sa Facebook, ibinahagi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang mga larawan kung saan nagsagawa ng inspeksyon sa nasabing footbridge.
Kasama nito sa inspeksyon ang Parañaque City Engineering Office katuwang ang DPWH 2nd Metro Manila Engineering District Office at MMDA.
Sinabi ng alkalde na isinara ang footbridge para sa isasagawang rehabilitasyon.
Layon aniya nitong masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente ng Parañaque at iba pang karatig-lugar.
Tatagal aniya ang pagsasaayos ng footbridge nang apat na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.