Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Negros Occidental.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 11 kilometers Southeast ng Sipalay City bandang 1:55 ng hapon.
28 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naidulot na pinsala sa Sipalay City at iba pang karatig-bayan.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.