Nadagdagan pa ng 73 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Sabado ng gabi (September 5) 4,403 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
757 pulis ang itinuturing na probable cases habang 3,067 ang suspected cases.
56 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 3,057 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 16 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.