Paggasta ng malaki sa infrastrucure inirekomenda ng NEDA

By Erwin Aguilon September 04, 2020 - 07:49 PM

Inirekomenda sa Kamara ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Karl Chua ang mas malaking infrastructure spending ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig sa panukalang P4.1T national budget sa susunod na taon, sinabi ni Chua na ito ay upang makalikha ng mas maraming trabaho ngayong may pandemic.

Sabi ni Chua na Itaas nila ang infrastructure spending ng 5.4% sa 2021 mula sa kasalukuyang 4.2% ngayong 2020.

Sinabi nito na simula ng luwagan ang lockdown restrictions, naibabalik na ang pagkawala ng 7.5 million na trabaho sa pagitan ng Abril at Hulyo matapos na isailalim sa GCQ at MGCQ ang maraming lugar sa bansa.

Prayoridad din aniya ng pamahalaan ang kalusugan at pagbabalik ng kumpyansa ng mga consumers para buhayin muli ang sigla ng ekonomiya.

Tinitiyak naman nito na ibabalik din ang sapat na bilang at ligtas na transportasyon para sa muling pagbubukas ng ekonomiya at pagbabalik trabaho ng mga tao.

Bumaba sa 40% ngayong Agosto ang mga empleyadong bumabalik sa trabaho dahil sa kakulangan din ng public transport.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Budget, economy, karl chua, neda, Budget, economy, karl chua, neda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.