Paghimay sa P4.5T 2021 national budget umarangkada na sa Kamara

By Erwin Aguilon September 04, 2020 - 07:21 PM

Nagsimula na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagtalakay sa panukalang P4.5T 2021 national budget.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations unang sumalang ang mga ahensyang nasa ilalim ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) kung saan humarap sina Budget Secretary Wendel Avisado, Finance Secretary Carlos Dominguez, acting Economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno.

Dahil sa COVID-19 pandemic, aabot lamang sa 50 ang mga ‘physically present’ sa budget hearing kasama na dito ang mga kinatawan ng bawat ahensya.

Ang mga kongresista na wala sa plenaryo ay pinapayagan naman na lumahok sa pamamagitan ng video conference.

Samantala, inaanyayahan naman ni Speaker Alan Peter Cayetano ang publiko na mag-participate sa budget hearing sa pamamagitan ng paggamit ng social media kung saan maaari nilang ipaabot ang mga concern sa kanilang mga kongresista.

Tinitiyak ng hakbang na ito ang mahalagang papel ng taumbayan sa transparency at accountability ng kanilang mga kinatawan.

Plano ring lumikha pa ng isang hiwalay na message board at bagong social media account para mas maraming participants pa ang ma-accommodate sa budget hearing.

 

 

 

 

 

 

TAGS: House of Representatives, national budget, House of Representatives, national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.