Mababang August inflation rate epekto ng lockdowns – Bangko Sentral
Hindi inaasahan maging ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang naitalang 2.4 percent August inflation rate.
Unang inanunsiyo ng BSP na ang August inflation rate ay maglalaro mula 2.5 percent hanggang 3.3 percent.
Pinaniniwalaan na ang mababang inflation rate noong nakaraang buwan ay bunga ng lockdowns sa Metro Manila at mga katabing lalawigan.
Sinabi ni BSP Gov. Benjamin Diokno patuloy nilang pag-aaralan ang mga ginagawang hakabang para sa ekonomiya kasabay nang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa kasalukuyang krisis-pangkalusugan.
Samantala, bukod sa mababang presyo ng mga bilihin, ang mababang inflation rate ay nagpapakita din ng takot ng mga konsyumer na gumasta at ito ay may epekto din sa ekonomiya.
Magugunita na nagpatupad si Pangulong Duterte na mas mahigpit na lockdown sa Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal ng 15-araw noong nakaraang buwan.
Ang mga nabanggit na lugar ang itinuturing na ‘primary economic hubs’ sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.