E-Governance gamot sa korapsyon, katiwalian ayon kay Sen. Go

By Jan Escosio September 04, 2020 - 03:01 PM

Sinuportahan ni Senator Christopher Go ang ipinanukalang Internet Transactions Act sa kadahilanan na halos iisa ang layon nito sa ipinanukala niyang E-Governance Act of 2020.

Sa panukala ni Go, kinakailangan bumuo ang gobyerno ng ‘information, data, resource-sharing at communications network’ hanggang sa mga lokal na pamahalaan para mabawasan ang ‘red tape.’

Sa isinusulong naman na panukala ni Sens. Sherwin Gatchalian at Nancy Binay , hinihikayat ang pag-develop ng e-commerce para sa paglago ng ekonomiya at posibleng paglikha ng trabaho.

“It is my position that the Internet Transactions Act will complement the bill I filed, namely Senate Bill No. 1738, or the E-Governance Act of 2020, which mandates the government to establish an integrated, interconnected, and interoperable information and resource-sharing and communications network, which spans the entirety of the national and local government,” ayon sa senador.

Paliwanag pa nito, layon din ng kanyang panukala na magamit ang information and communication technologies para makapag-serbisyo sa publiko ang mga ahensiya ng gobyerno.

Sa Senate Bill No. 1738, itatayo ang Integrated Government Network para sa mga datos at impormasyon ng mga ahensiya.

 

 

TAGS: e-governance, E-Governance Act of 2020, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website, e-governance, E-Governance Act of 2020, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.