Marine academy sa Zambales isinailalim sa lockdown; 14 na kadete nagpositibo sa COVID-19
Isinailalim sa lockdown ang Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales.
Ito ay makaraang 14 na kadete nito ang magpositibo sa COVID-19.
Tatagal ang lockdown sa loob ng 14 na araw.
Ang mga kadete na tinamaan ng sakit ay kabilang sa 284 aspiring cadets na pumasok sa academy para sa indoctrination period.
Noong July 26 unang nakapagtala ng dalawang kaso ng COVID-19 sa academy.
Dahil sa insidente, nagpatupad na ng bagong alituntunin ang PMMA para sa incoming students.
Required na silang sumailalim sa mandatory Reverse transcription-polymerase chain reaction o RT-PCR tests at sasailalim din sa 14 na araw na quarantine pagpasok sa academy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.