Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 21,850

By Mary Rose Cabrales September 04, 2020 - 05:04 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (September 3, 3:00 PM) nakapagtala ng 576 na bagong kaso kaya pumalo na sa 21,850 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 4,505
Laguna – 8,082
Batangas – 3,501
Rizal – 4,601
Quezon – 1,161

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 12,854.

Nasa 8,487 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 538 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 1,073
Laguna – 3,886
Batangas – 1,531
Rizal – 1,364
Quezon – 633

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 9 kaya umabot na sa 509 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 87
Laguna – 121
Batangas – 92
Rizal – 172
Quezon – 37

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

 

 

TAGS: calabarzon, covid cases, covid udpate, COVID-19, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, calabarzon, covid cases, covid udpate, COVID-19, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.