Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, lagpas 5,000 na
Nagpositibo ang 157 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 3, umakyat na sa 5,140 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
2,397 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 76.51 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
130 naman ang gumaling pa kaya 2,660 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 83 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.