DepEd, maglalabas ng adjusted school calendar year 2020 – 2021
Dahil sa muling pag-urong ng pagsisimula ng mga klase sa Oktubre 5, inanunsiyo ng Department of Education o DepEd ang paglalabas ng adjusted school calendar para sa School Year 2020 – 2021.
Ayon kay Usec. Diosdado San Antonio, maraming aktibidades at programa na taun-taon inoobserbahan ang naapektuhan tulad ng National Teacher’s Month na dapat ay sa Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.
Una nang naglabas ang kagawaran ng school calendar noong Mayo dahil inaasahan na magbubukas ang mga klase ng Agosto 24.
Nabanggit nito na ang maaaring magiging pagtatapos na ng klase ay sa June 16, 2021, kung kailan naman dapat ay nagsimula na ang School year 2021 – 2022 kung walang pandemiya.
Samantala, ang Christmas vacation naman sa taong 2020 para sa mga estudyante ay magsisimula sa Disyembre 20 at magbabalik sa Enero 3 ng susunod na taon.
Nasa batas na dapat ay may 200 araw ng pasok sa mga eskuwelahan kada taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.