Mga emojis para sa eleksyon, inilunsad ng Comelec
Pormal na inilunsad ng Commission on Elections ang mga bagong ‘emojis’ na maaring magamit ng netizens sa social media para sa 2016 elections.
Ayon sa Comelec, ito ay sa pakikipag-ugnayan nila sa twitter at bahagi ng education campaign at information drive kaugnay ng nalalapit na halalan.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kung gagamit ng #PiliPinas, otomatikong lalabas na ang logo ng Pilipinas at ang mga emojies na magpapakita ng mukha ng mga presidentiables.
Paliwanag ni Chairman Andres Bautista, malaking porsyento kasi ng 54 na milyong botante ngayong halalan ay umeedad ng 18-35 yo o halos 25-milyong botante.
Dahil dito, umaasa sila na magiging mas aktibo ang mga botante lalo na ang mga netizen sa pagsubaybay sa eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.