Pagbabawal ng Malaysia na makapasok ang mga Pinoy sa kanilang bansa, nirerespeto ng Palasyo
Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang desisyon ng Malaysia na pagbawalan nang makapasok sa kanilang bansa ang mga Filipino.
Ito ay dahil sa mataas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman harry Roque, nakapanghihinayang ang desisyon ng Malaysia.
Pero, wala aniyang magagawa ang Pilipinas dahil isang sovereign decision ang ginawa ng Malaysia.
“Well, that’s a sovereign decision who will be allowed to enter one’s territory. I’m not saying we’re happy. I’m saying we regret the decision but we respect the sovereign decision of Malaysia,” pahayag ni Roque.
Bukod sa mga Filipino, pinagbawalan din ng Malaysia na makapasok sa kanilang teritoryo ang mga taga-India at Indonesia.
Sakop ng utos ng Malaysia ang mga mayroong long term passes, mga estudyante, expatriates, may mga permanent resident visa, maging ang mga miyembro ng pamilya ng mga Malaysian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.