Army Aviation Regiment nais palakasin ni Sen. Francis Tolentino

By Jan Escosio September 03, 2020 - 12:58 PM

Sinabi ni Senator Francis Tolentino na pangarap niya na mapabilang ang Army Aviation Regiment sa mga vital first responders sa mga rescue and relief operations sa tuwing may kalamidad sa bansa.

“Pangarap ko rin naman dumating iyong pagkakataon na kapag nagkaroon tayo ng disasters, iyong mga air assets ng Coast Guards, Air Force, Navy and the Philippine National Police (PNP) will be joined by the Army Aviation Regiment in distributing relief items to our distressed countrymen,” sabi ng senador.

Sinabi nito na habang nagiging komplikado ang mga digmaan, lumulutang ang matinding pangangailangan na mapalakas ang aviation unit ng Philippine Army.

Ayon naman kay AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang training ng Army rotary wing pilots bilang paghahanda sa pagdating ng mga kagamitan na bahagi ng nagpapatuloy na AFP Modernization Plan.

Banggit ni Tolentino, tatanggap ang AFP mula sa US ng apat na Black Hawk helicopters at apat din na Cobra helicopters para palakasin ang air defense capability ng Army Aviation Regiment.

Hiniling din nito kay Gapay na itulak ang pagpatayo ng airstrips sa Kalayaan Island at isa pa na malapit sa Fuga Island.

 

 

 

 

TAGS: air assets, Army Aviation Regiment, Francis Tolentino, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, air assets, Army Aviation Regiment, Francis Tolentino, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.