Panukala upang makaboto sa pamamagitan ng koreo ang mga senior citizen inihain sa Kamara

By Erwin Aguilon September 03, 2020 - 11:50 AM

Isinusulong ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa Kamara na payagan na makaboto sa pamamagitan ng koreo ang mga senior citizen.

Sa ilalim ng House Bill 7572 ni Quimbo, na maaaring payagan ng Commission on Elections (Comelec) ang postal voting kung ito ay kinakailangan tulad ngayong panahon ng pandemya.

Paliwanag ni Quimbo, noong nakalipas na 2019 elections, 9.1 million sa kabuuang 61.8 million registered voters ay mga nakatatanda.

Hindi aniya dapat hayaan na pagkaitan ng kanilang Karapatan na makaboto ang mga senior citizens dahil sa nangyayaring pandemya.

Iginiit ng kongresista na hindi ito bagong panukala dahil ang US, UK, Switzerland, Australia at New Zealand ay maaaring bumoto gamit ang koreo.

Natitiyak aniya ng postal voting para sa mga matatanda na naitataguyod ang kanilang karapatang makaboto habang napoprotektahan at naaalagaan ang sarili laban sa sakit.

Idinagdag ni Quimbo, kahit wala na ang COVID-19 ay dapat mayroon pa ring postal voting para sa mga senior citizens sa kadahilanang hindi na dapat nahihirapan at napapagod ang mga ito sa pagpila at pakikipagsiksikan tuwing halalan.

 

 

TAGS: elections, House Bill 7572, senior citizen, Voters, elections, House Bill 7572, senior citizen, Voters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.