Minimum digital protection dapat palagiang pairalin ng publiko ayon sa NPC

By Dona Dominguez-Cargullo September 03, 2020 - 09:02 AM

Kung mayroong minimum health standards na umiiral ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19 dapat ding mayroong minimum digital protection na ipinatutupad ang publiko.

Ito ang paalala ng National Privacy Commission sa publiko kasunod ito ng insidente ng cybertheft na nangyari sa UCPB.

Ayon kay NPC Commissioner Mon Liboro, dapat magpatupad ng digital protection standards ang publiko sa kanilang mga account.

Partikular aniyang dapat na protektahan ang online banking.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER hinikayat ni Liboro na ang lahat na palagiang magpalit ng password.

Kailangan aniyng siguruhing mahirap mapasok ng hackers ang mga gamit na platform para sa online banking at iba pang transaksyon.

Lalo pa ayon kay Liboro na ngayong may pandemya ng COVID-19 karamihan sa cash transactions ay ginagawa na online.

 

 

 

TAGS: digital protection standard, mon liboro, NPC, digital protection standard, mon liboro, NPC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.