DSWD, tiniyak na operational ang hotline numbers para sa SAP
Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa public na operational at aktibo ang lahat ng hotline numbers para sa Social Amelioration Program (SAP).
Ito ay kasunod ng insidente sa Congressional hearing noong August 26 kung saan ang numerong 0918-912-2813, isa sa hotline numbers ng kagawaran, ay tinawagan at lumabas na ‘unattended.’
Paliwanag ng DSWD, aktibo ang nasabing numero ngunit limitado lamang para sa text messages.
Bahagi anila ito ng Wireless Service (WiServ) ng DSWD, isang application para sa Short Messaging Service (SMS) Gateway.
Nagsisilbi itong reception ng DSWD related concerns sa pamamagitan ng text keywords at ipapasa sa helpdesk moderators para sa mas mabilis na pagtugon at koordinasyon.
Narito ang mga sumusunod na aktibong hotline numbers na maaaring ma-contact ng publiko 24 oras:
Para sa text:
– 0918-912-2813
Para sa tawag:
– 0947-482-2864
– 0916-247-1194
– 0932-933-3251
Mayroon ding landline number na 8931-81-01 hanggang 07 local 555.
Maliban dito, maaari ring subukan ng publiko ang email address na [email protected] at bagong lunsad na DSWD portal, usaptayo.dswd.gov.ph.
Mula July 27 hanggang August 16, umabot sa 12,770 ang natanggap na reklamo sa pamamagitan ng tawag, 94,643 via email, at 110,313 via WiServe.
Tumutugon din ang social media accounts ng kagawaran sa mga mensahe at komento.
Nangako ang DSWD na magiging bukas pa rin ang kanilang mga linya ng komunikasyon sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.