Maliban sa paubo-ubo, bumuti na ang kalagayan ni Interior Secretary Eduardo Año matapos muling magpositibo sa COVID-19.
Ayon sa kalihim, hihintayin na lang niya sa bahay ang resulta ng kanyang swab test para malaman kung libre na muli ang kanyang katawan sa nakakamatay na virus.
Unang tinamaan ng COVID-19 ang kalihim noong Marso 31 at nakarekober noong Abril 13.
Paniwala ni Año, muli niyang nakuha ang sakit sa kanyang tanggapan sa Camp Crame.
Aniya, hindi niya alam na karamihan sa kanyang mga tauhan ay taglay na ang virus.
Pinag-aaralan na ng DOH kung maituturing na ‘re-infection’ ang nangyari sa kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.