Mandaluyong City, nakapagtala ng 45 pang kaso ng COVID-19
Napaulat ang 45 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:03, Miyerkules ng hapon (September 2), 3,097 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 983 ang aktibong kaso.
144 ang itinuturing na probable cases habang 1,263 ang suspected cases kung saan 10,350 ang cleared na.
17 ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 2,002 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat namam sa 112 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.