Pagsibak ni Pangulong Duterte sa tiwaling PhilHealth officials, sapat para maibalik ang tiwala ng taumbayan – Palasyo

By Chona Yu September 02, 2020 - 02:47 PM

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na sapat na ang ginawang pagsibak ni Pangulong Rosrigo Duterte sa mga tiwaling opisyal ng PhilHealth para makuhang muli ang tiwala ng taong bayan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may ipinataw na ring preventive suspension sa mga PhilHealth official.

Una rito, tinanggap na ni Pangulong Duterte ang resignation ni dating PhilHealth President Ricardo Morales.

Inatasan din ng Pangulo si bagong PhilHealth President Dante Gierran na balasahin ang mga regional vice president.

“Tingin ko naman sapat ang ginawa ni Presidente na pinalitan niya po at nagtalaga siya ng bagong presidente at CEO ng PhilHealth at nagpapatuloy po ang imbestigasyon. Meron na pong mga na-preventive suspension, halos lahat ng miyembro ng execom ng Philhealth ay udne rprveentive suspension for six months without pay,” pahayag ni Roque.

Seryoso aniya si Pangulong Duterte na walisin ang korupsyon sa PhilHealth.

“So thingin ko po seryoso ang presidente at tinatanggap ng taumbayan kung gano ka seryoso ang Presidente para linisin ang hanay dyan sa PhilHealth ng sa ganon magkaroon ng katuparan ang ating sinulong na Universal Health Care, libreng gamot at libreng pagamot sa lahat ng Pilipino,” pahayag ni Roque.

Marami sa mga miyembro ng PhilHealth ang nadismaya at nawalan ng tiwala nang maibunyag sa publiko na paubos na ang pondo ng ahensya dahil sa korupsyon.

TAGS: Inquirer News, philhealth anomaly, philhealth corruption, president duterte, preventive suspension, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Inquirer News, philhealth anomaly, philhealth corruption, president duterte, preventive suspension, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.