Dagdag na 50,000 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19
Simula noong August 1 hanggang ngayong araw Sept. 2 mayroong karagdagan na mahigit 50,000 na mga umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.
Base sa datos na nakuha ng Radyo INQUIRER mula sa Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, nakapagtala ng karagdagang 50,421 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Karagdagan ito sa mahigit 54,700 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong July 8 hanggang July 30.
Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/3bkyZBv
Ang master list naman ng mga nag-negatibong umuwing Pinoy ay maaring ma-access sa link na https://bit.ly/309ZvJV
Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.