61 na dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng 61 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas na nakuha ng Radyo INQUIRER, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 3,064 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Umabot naman na sa 1,865 ang mga gumaling sa sakit at 1,175 na lang ang aktibong kaso.
Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Leyte, Samar at Eastern Samar.
Karamihan ay close contacts ng nauna nang mga pasyente.
Habang mayroon ding mga LSI na umuwi ng kani-kanilang lalawigan at limang healthcare workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.