2 Filipino namatay sa restaurant gas explosion sa Abu Dhabi

By Jan Escosio September 02, 2020 - 12:34 AM

PHOTO CREDIT: OWWA DEPUTY EXEC. DIR. MOCHA USON

Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) na Filipino ang dalawang napaulat na nasawi sa pagsabog sa isang restaurant noong Lunes ng umaga.

Hindi pa kinilala ang dalawa ngunit ayon kay Philippine Ambassador Hjayceelyn Quintana, nakikipag-ugnayan na sila sa mga pamilya ng mga biktima para sa mga ipapaabot na tulong.

Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa mga awtoridad para matukoy kung ilan sa mga napaulat na nasugatan ay mga Filipino, na dinala sa iba’t ibang ospital.

Nakiusap na lang si Quintana sa mga Filipino sa UAE na patuloy na mag-ingat at sumunod sa protocols ng host government.

Napaulat na naganap ang gas explosion bandang 10:00 ng umaga sa isang restaurant sa Sheikh Rashid Bin Seed Road (Airport Road).

Isa sa mga namatay ay malapit sa restaurant, samantalang ang isa naman biktima ay tinamaan ng debris dahil sa pagsabog.

TAGS: explosion in UAE, Inquirer News, Philippine Embassy in Abu Dhabi, Radyo Inquirer news, restaurant gas explosion in Abu Dhabi, explosion in UAE, Inquirer News, Philippine Embassy in Abu Dhabi, Radyo Inquirer news, restaurant gas explosion in Abu Dhabi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.