Resolusyon para palawigin ang validity ng lisensya ng mga baril, pasado na sa komite sa Kamara
Aprubado na sa House Committee on Public Order and Safety ang resolusyon para palawigin ang bisa ng lisensya ng mga baril.
Sa pagdinig ng komite, ini-adopt ang House Resolution 1119 na layong palawigin ang validity ng Permit to Carry Firearm Outside of Residence (PTCFOR) at license to own and possess firearms (LTOPF).
Sa ilalim nito, sususpindehin ang deadline ng pagsusumite ng mga dokumentong kinakailangan para sa renewal ng permit ng mga gun owners.
Tinukoy ng mga kongresista sa komite na mahirap para sa lehitimong firearm owners na makasunod sa itinatakda ng PA 10591 para sa renewal ng gun registration at lisensya bunsod na rin ng kondisyong dulot ng COVID-19 pandemic.
Bukod anila sa panganib na dala ng Coronavirus Disease ay nade-delay din ang proseso para sa registration at licensing ng mga baril dahil sa pagpapatupad ng alternative work schemes kung saan kakaunti lamang ang manpower o personnel na mag-aasikaso nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.