Gierran: Ibabalik ko ang tiwala ng publiko sa PhilHealth

By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2020 - 08:05 AM

Tiniyak ni bagong PhilHealth President Dante Geirran na ibabalik niya ang tiwala ng publiko sa ahensya.

Sa kaniyang pagdalo sa pulong ng Inter Agency Task Force kagabi, sinabi ni Gierran na hindi siya nag-apply para sa nasabing pwesto dahil alam niyang “mahirap ang magiging trabaho”.

Sa kabila nito, bilang isang “good soldier” ay hindi umano siya aatras sa misyon.

Pinasalamatan din ni Gierran ang pangulo sa ibinigay na tiwala sa kaniya.

Tiniyak ni Gierran na gagawin niya ang lahat upang maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng mga tao sa PhilHealth.

Binanggit din ni Gierran ang bilin ni Senator Bong Go na putulan niya ng kamay ang mga opisyal at tauhan ng ahensya na sangkot sa katiwalian.

 

 

 

TAGS: corruption issue, dante gierran, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, corruption issue, dante gierran, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.