DFA inaalam na kung may apektadong Pinoy sa pagsabog na naganap sa Abu Dhabi

By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2020 - 06:40 AM

Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mga Filipino matapos ang pagsabog sa Airport Road sa Abu Dhabi.

Ayon sa DFA, ang pagsabog ay naganap kahapon (Aug. 31) ng umaga sa isang gusali malapit sa Airport Road.

Dalawa na ang iniulat ng UAE authorities na nasawi sa nasabing pagsabog.

Ang isa ay malapit mismo sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog habang ang isa pa ay tinamaan ng debris.

Wala pang inilalabas na detalye tungkol sa nationality ng mga nasawi.

Tiniyak ng DFA na mayroon nang mga tauhan ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi na nakikipag-ugnayan sa mga otoridad.

Batay kasi sa inisyal na impormasyon, mayroong mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga apektadong establisyimento.

 

 

 

TAGS: Abu Dhabi, DFA, Explosion, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Abu Dhabi, DFA, Explosion, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.