Comelec offices magbubukas na ngayong araw para tumanggap ng mga magpaparehistro

By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2020 - 06:28 AM

Muling tatanggap ng mga magpaparehistro ang mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) simula ngayong araw.

Bukas ang mga lokal na tanggapan ng Comelec mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon, mula Martes hanggang Sabado kabilang ang holidays.

Mahigpit na paalala ng Comelec, paiiralin ang “No face mask and face shield, No registration”.

Maliban sa pagpaparehistro, maari ding magpalipat ng registration at humiling ng change o correction of entry.

Para sa mga magpaparehistro, kailangang mag-download ng application form sa website ng Comelec, na sasagutan ang tatlong kopya.

Maliban sa pagsusuot ng face mask at face shield, kailangan ding mag-sanitize at tumapak sa foot bath ng mga papasok sa Comelec offices.

Lahat din ay kailangang pumirma sa health declaration form gamit ang sariling ballpen.

 

 

 

TAGS: comelec, comelec office, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, registration, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, voter registraton, comelec, comelec office, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, registration, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, voter registraton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.