Pangulong Duterte lumuhod, humalik sa lupa sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog sa Jolo, Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo August 31, 2020 - 10:18 AM

Bilang pagbibigay-dangal sa mga nasawi sa pagsabog sa Jolo, Sulu humalik sa lupa si Pangulong Rodrigo Duterte sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Sa mga larawan na ibinahagi sa media ni Senator Bong Go, lumuhod ang pangulo at saka humalik sa lupa nang sya ay bumisita sa blast site sa Jolo kahapon.

Nag-alay din ang pangulo ng bulaklak sa blast site at nagtungo sa Kuta Heneral Hospital kung saan naroroon ang mga nasugatang sundalo.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng pangulo na pagbibigay-dangal ito sa mga sundalo at mga sibilyan na nasawi sa pagsabog.

Kasabay nito, nangako ang pangulo sa mga sundalo na patuloy silang susuportahan ng pamahalaan sa pagtugis sa mga terorista.

 

 

TAGS: blast site, Inquirer News, Jolo blast, Jolo Sulu, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Sulu Explosion, Tagalog breaking news, tagalog news website, blast site, Inquirer News, Jolo blast, Jolo Sulu, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Sulu Explosion, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.