97 na dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Central Visayas
Sumampa na sa mahigit 18,800 na ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 97 na bagong kaso ng sakit kahapon (Aug. 30).
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 18,898 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,271 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,105 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 43 dahilan para umabot na sa 15,522 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,614 cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.