Kiblawan, Davao del Sur niyanig ng magnitude 5.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Davao del Sur.
Ayon sa datos mula sa Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers southeast ng bayan ng Kiblawan, ala-1:44 madaling araw ng Lunes (August 31).
May lalim na 18 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – Koronadal City; Bansalan and Magsaysay, Davao del Sur
Intensity II – Kidapawan City; General Santos City
Naitala rin ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity V – Malungon, Sarangani
Intensity IV – Koronadal City; Tupi, South Cotabato
Intensity III – General Santos City; Alabel, Sarangani
Intensity II – Kiamba, Sarangani
Inaasahan naman ang aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.