BREAKING: Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 157,403; Higit 22,000 ang nadagdag
Mahigit 4,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (August 30), umabot na sa 217,396 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 56,473 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,284 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.1 porsyento ang asymptomatic; 1.1 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 100 out of 110 licensed laboratories.
Nasa 102 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,520 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 22,319 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 157,403 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.